Linggo, Marso 27, 2011
Camiguin trip
Camiguin Island the place na gusto ko talagang puntahan dahil sa isang isla lng madami ka ng pweding puntahan. Nakapunta na ako ng Camiguin noong grade 6 pa ako at saka di ko pa talaga alam kung ano ang nandun sinama lng ako ng Papa ko. Naabotan ko din yong Lanzones Festival doon but di ko pa maappreciate kasi nga wala pang walay bata pa kasi. Isang araw lng kame dun uwi agad kaya parang panaginip lng ang pag punta ko doon.
Until na high school ako parang pangarap kung bumalik doon pero wala akong kasama. At dumating nga sa punta na nag collage na ako.Yehey pwed na ako pumunta kasi malaki na ako at may pera. Ang Problema nga lng walang kasama hahaha. Buti mga friends ko gusto din pumunta kaya sobrang saya ko :).
Photo ng kinainan namin sa Balingoan Port
For breakfast afritada for only 30php then yong rice 8php
Around 7:10 sumakay kame ng bus Nasipit-Balingoan Fare Sp: 100 Regular:110
10:00am dumating kame sa Balingoan port kumuha kame ng ticket Super Shuttle Ferry Fare
Regular:150
Sp:127.50
Terminal Fee 2.25
List ng Schedules Balingoan- Benoni
10:45am yong departure pero mga around 11am na umalis yong ferry. Then mga around 12:00pm na dumating sa Benoni port but for that na kakita ako ng Stingray. kaya lng di ko nakuhanan ng photo. Sayang.
Pagdating namin sa Benoni port sakay agad kami ng jeep may mga offer na pagyawan daw for 200php motorela pero mas cheaper pag jeep kasi 20php lng pa puntang Mambajao.Ang pamasahe sa motorela ay 7php lng.
First namin pinuntahan is Ardent Hot Spring
Fare papunta doon 25php each single motor gamit. Entrance 30php kinuha ng namin contact number ng sinakyan namin papaunta doon at nagtext lng kami if uuwi na kami at agad clang dumating.hehe. Yong pinaka malalim nila na ligoan ay marumi kasi umulan nun kaya nilinis pa nla.
Mga around 7pm na kami umuwi umuulan ng kunti wala ng tao makikita sa paggabi siguro dahil umuulan then yong plaza hindi nakaon ang ilaw. Mga around 8pm lumabas kame sa hotel namin. Rates ng hotel sobrang affordable kaya dito kayo matulog 330php promo rate nila good for 2 non-aircon. No need na mag aircon malamig naman eh. Lumabas kami para kumain kaya lakad2 naghahanap ng kakainan.
Second day
Trip to White Island 500php binayaran namin pero usually 400php lng daw yan may contact kasi doon sa Hotel kaya yong nlng maximum of 6person lng daw pero 7 kame kasi may 2 na kasabay namin sa Hotel then 5 kame. Pero malaki naman yong bangka kaya kasya kami mga 10mins lng papunta doon sa White Island. Ito pa nagmoterela sinakyan namin papunta ng sakayan ng bangka papunta White Island 200php binayaran namin back and forth sa Hotel pero 8php lng daw yong fare doon sabi ni manong Ricky driver ng motorela.
Dito kame sumakay papuntang white island.around 10mins lng pa punta doon.
Must eat sea urchin bah to??hehe.kalimotan ko yong name. bsta family ng sea urchin yan. Worth 10php ok lng daw kahit walang breakfast pwed pa ring kumain nya rich in calcium daw sabi ni manong.hehe. Yong breakfast namin bread lng and water.
Pweding gawin don sa White Island Snorkeling worth 100php per use. But yong samin 3pcs tumawad yong friends ko 250php nlng. Kaya Tip: wag mahiyang tumawad.After sa White Island bumalik na kame sa Hotel to get our things para makacheck out na kami. But sad to say yong wallet ng friend ko naiwan doon sa White Island buti super bait ng taga doon binalik nla yong wallet may nag claim pa daw na iba. Di na kami nag bihis kahit basang-basa kame umuulan kasi.
Next destination Katibawasan Falls kumain muna kami bago maglilibot para malakas yong energy. Moterela lng sinakyan namin papunta sa sakayan ng single motor papunta sa itaas Fare 15php papunta pabalik 10php. Entrance is 10php. Sad to say di kame nakaligo kasi under construction pa yong ligoon nila.
Hirap mag tour ng walang sa sasakyan doon kaya better mag hire ng multicab or single motor. Kasi yong mga tourist spots malayo kasi din walang mga pangpasaherong saksayan dumadaan. Sobrang tawa ko talaga kasi akala ko sa tuktok nito Sunken Cementry na.hahaha. Cenxa first time kasi.
Sunken Cementry.Sobrang lakas na ng ulan but no one can stop us.hehe yong cam binabalot na namin ng damit para hindi lng mabasa. malapit ng yong Sunken cementry at Old Church.
Soda Swimming Pool. Entrance fee-25php Chicharon-35php. After sa Soda nilibot na namin yong Camiguin kahit basang basa kami. yong hindi lng namin napunta ay yong Sto. Nino Cold Spring kasi pagod na kami at busog na kasi sa paglilibot namin. kaya umuwi na kami sa bahay ng pinsan ng friend namin. But before kayo umuwi don't forget yong mga pasalubong na Pastel Vjandep 125php yong box is 12pcs 65php if half lng. Sa sobrang pagod maaga kaming natulog.
3rd day
Wala na talaga sa plano ang pag punta namin sa Giant Clams since last day na namin humirit pa talagang magtour. Pinakyaw nlng namin yong Motorela worth 500php papunta lng doon at ihahatid na kami sa Pier ng Benoni. Thanks sa Ward Family for the accomodation. Ito yong daan papunta sa Cantaan dalawang daan ang papunta doon sad to say yong dinaanan namin medyo sira para kaya naglakad kami di kasi kaya ng motorela yong adventure talaga doon sakay, baba,sakay,baba.haha. Better siguro mag single motor or multicab papunta doon kasi sobrang mataas yong daan.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)





















